DSC_0034

Comments

  1. Why do some rice tastes yucky. Because they have been sterod for a long time, only to be released from the warehouse at the right time and right place. per catSang-ayon ako sa sinabi ni Cat. May maliit din kaming tubigan at tuwing anihan ay ibinebenta ang iba at nagtitira laang si Tatay ng sapat sa amin hanggang sa susunod na anihan. Ito’y iniimbak na palay sa mga sako, ibibilad tapos ipapakiskis kada linggo o buan ayon sa aming konsumo. Habang natagal, nag-iiba ang lasa ng bigas kaya minsan ibinebenta na rin iyong masama ang lasa at nabili kami ng bagong ani sa ibang lugar.Noon iyon, palagay ko pareho pa rin ang nangyayari sa mga nakaimbak na palay o bigas.Gaya ng iba dito sa forum, wala pa nga akong nakitang bigas galing sa RP, madalas galing sa Thailang at ang pangalan pa nga ng iba ay milagrosa . Obserbasyon ko ito sa oriental stores, Sams, wal mart or Costco, west coast, midwest or east coast, walang Pilipinong bigas.3rdson .Relax ka laang bok, sa experience ko dito sa forum ni Manolo, may kabuluhan ang mga sinasabi nila dito. Marami rin akong natutunan kahit na karaniwan ay hindi ako sang-ayon kay Bencard, malaman ang mga posts niya dito, iba nga laang ang side niya sa amin nila MB. Kani-kanyang diskarte laang iyan igan. We still have FREE PRESS in RP. At saka bakit baga’t napakainit mo sa mga Pilipinong nagsisikap na tumulong sa ating bayan kahit man laang sa panulat, sa diskursong gaya dito? You don’t have to be on the ground to be able to help our kababayan. At tanu si Bill Gates nakatira sa Africa? At ikaw , ano na ang ginawa mo diyan? Huwag mo na laang sabihin abay, de naman namin kailangan ay! Ang sa akin ay, gumawa tayo ng kahit anong kaya natin para makatulong, hindi naman kailangang ibandilyo sa iba kung ano iyon, sapat nang makatulong tayo sa nangangailangan.

Speak Your Mind

*